Christian Bautista ibinahagi ang kaniyang bagong album na “Kapit” dito sa Pinas FM 95.5

Sa muling pagbisita ni Christian Bautista ibinahagi niya sa atin ang kaniyang latest album na “Kapit”.

Ayon kay Christian Bautista ang mensahe ng kaniyang album ay patungkol sa kung “may gusto ka sa buhay ay kumapit ka lang huwag kang magle-let go kasi malay mo kinabukasan makuha mo na ang gusto mo.”

 

Ayon kay Christian, makalipas ang dalawang taon ay saka lamang muli siya nakagawa ng bagong album. Kaya ang kaniyang album na “Kapit” ay maaari na nating ma-avail. Ayon sa kaniya, ito ay binubuo ng labindalawang kanta na may carrier single “Kapit”.

Kaya para sa mga tagahanga ni Mr. Christian Bautista sa September 29 ay masasaksihan na natin ang launching ng kaniyang pinakabagong album sa Music Museum.

Para sa mga update at schedules, maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media account:

Facebook: @ChristianBautistaOfficial
Twitter: @xtianbautista
Instagram: @xtianbautista

(written Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...