Champion Reborn album handog sa atin ni Erik Santos

ERK_08Nakasama natin ngayon sa Pinas FM ang nagiisang Erik Santos kung saan ipinarinig niya sa atin ang latest single niyang ‘Tandaan Mo To’ featuring Gloc 9 na prinoduce naman ni Jonathan Manalo.

Pinaka-favorite niya raw sa kaniyang album ngayon ang kantang ‘Tandaan Mo To’, ‘Sino Ba Ako Sayo’ na composed ni Yeng Constantino at ang ‘Dont Tell Me Dont Ft. Kyla’ na composed naman ni Jonathan Manalo.

Ayon sa kanya excited sya dahil mas iba raw ito kesa sa dating album niya dahil may pagka-upbeat ang tono nito ngayon. Hindi na ito tulad dati na mga kanta sa teleserye. Ang mga piniling song writer para sa album na ito ay mga kabataan para fresh ang ideas.

ERK_06Ibinahagi rin niya sa atin na nagsusulat rin siya ng kanta pero personal consumption lang at ang isa sa mga sinulat niya ay ang ‘Hanggang Kailan Kita Mamahalin’ na isang power ballad.

ERK_04Bago magpaalam sa atin si Erik ay ipinarinig niya sa atin ang isa pa niyang kanta na makikita sa kanyang album ang ‘Sino Ba Ako Sayo’. Sabi ni Erik ang kantang iyon ay para sa mga martyr dahil may mga panahon na may mga bagong dumarating satin sa sitwasyon natin na parang di natin alam kung san tayo lulugar sa buhay ng isang tao.

ERK_05Ikatutuwa din ng fans ni Erik ang covers nya na “Where Do Broken Hearts Go,” “Narito Ako,” at ang kantang “This I Promise You” kung saan kaduet nya si Angeline Quinto at theme song ng top series ng Nathaniel na “Langit Ka, Lupa Ako”.

Mabibili na ang Champion Reborn album ni Erik sa record bars nationwide. Maaari na ring mapakinggan ang kanyang 10th album na Champion Reborn sa Amazon, Spotify, at maari rin itong madownload sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, mymusicstore.com.ph at starmusic.ph.

ERK_09Sa lahat ng fans ni Erik Santos ay maari siyang i-follow sa IG @realericksantos.

(written by Krizia Benesio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Manabat)

You may also like...