‟Bibitawan Ka” ni Hazel Faith sa Pinas FM 95.5

Hazel Faith 2016-4Bumisita sa Pinas FM ang talented artist na Hazel Faith. Bukod sa pag-arte ay kanya ding ipinamalas ang galing sa pag-awit at pagsusulat ng kanta.

Sa katunayan ay may bagong entry sa Himig Handog si Hazel Faith na pinamagatang “Bibitawan Ka”.  Maririnig din ang kaniyang awit na I love You Goodbye na isang Official Soundtrack ng isang Koreannovela.

Tinanong rin ni DJ Apple kung sinong local at international artist ang gusto niya maka-collaborate. Humantong sila sa top 5 local at international artists. Sa mga international artist ay nais niya maka-collaborate sina Taylor Swift, Ed Sheeran, Tori Kelly, Arianna Grande at Beyonce. Sa mga local artist naman ay sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Toni Gonzaga, Janella Salvador at si Iñigo Pascual.

Hazel Faith 2016

Abangan din ang kaniyang nalalapit na album ngunit hindi pa niya ito pinangalanan. Para sa kanyang mga activities sundan lamang siya sa kanyang mga social media accounts. Sa Facebook – [Official] Hazel Faith Fanpage at Twitter – @TheHazelFaith.

(written by Eliud Barcelona, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...