“Kinikilig” ni Hazel Faith sa Pinas FM 95.5

Hazel Faith 2016-2

Nakasama natin dito sa Pinas FM ang 25 years old actress, song writer at musical artist na si Hazel Faith Capacete dela Cruz.

Napanood natin siya bilang si Edz Viray na flight attendant bestfriend ni Maya (Jodi Sta. Maria) sa isang hit morning TV series na Be Careful With My Heart. At noong 2014, si Hazel Faith ay isa sa Top 15 Finalist sa Himig Handog P-Pop Love Songs dahil sa kanyang ginawang kantang pinamagatang “Everything Takes Time”.

Hazel Faith 2016-5

At ngayong taong 2016, isa na naman sa mga kanta niyang ginawa na ang pamagat ay “Bibitawan Ka” ang nakapagdala sa kanya sa Top 15 finalists ng Himig Handog P-Pop Love Songs. Ang kanta niyang ito ay sobrang personal para sa kanya dahil ito ay sulat para sa kanyang ex-boyfriend, na kalaunan ay ginawa niyang kanta. Ito ang una niyang beses na gumawa ng kanta na nauna ang lyrics dahil nagsimula nga ang kanta na ito sa isang sulat.

Hazel Faith 2016-4

At ngayon may bago siyang single na 2 years niyang isinulat na ang pamagat ay “Kinikilig”. Ang istorya ng kanta ay tungkol sa kung ano ang iyong nararamdaman kapag nakikita mo ang crush mo pero hanggang tingin ka lang. Aniya, ang kaniyang naging inspirasyon para kiligin at ipagpatuloy ang pagsulat ng awitin ay ng mapanuod niya ang isang loveteam na talaga namang hinahangaan ng marami.

Hazel Faith 2016-3

Inaanyayahan niya tayong abangan ang music video ng kanyang bagong single at panoorin ang webisodes kung paano ginawa yung kanta at kung paano sila nag-rehearse ng sayaw para sa music video.

At para sa mga karagdagang updates about kay Hazel Faith pwede niyo siyang i-follow sa kanyang mga social media accounts:

Facebook: [Official] Hazel Faith Fanpage

Twitter: @TheHazelFaith

Instagram: hazelfaithpix

Hazel Faith 2016-1

(written by Rizza Mae Delos Santos, edited by Mary Rose Faith Bonalos,photos captured by Dianne Mae Czarina Condes)

You may also like...