Bagong single ni Volts Vallejo na “Tatapangan” mapapakinggan na sa Pinas FM 95.5

00

Muli na naman tayong napahanga ng isa sa mga bagong mang-aawit ng henerasyon, siya ay si Volts Vallejo.

Si Voltaire Calahi Vallejo o mas nakilala sa pangalang Volts Vallejo ay isang Filipino songwriter at recording artist. Bago pa man siya nadiskubre ng One Music PH, na isang online music hub ay nagsimula na siya bilang isang dancer at commercial model.

Siya ay nakilala matapos mapili ang kanyang kantang “Hey Crush” bilang official theme song ng isang Filipino hit movie na pinamagatang “Vince and Kath and James.” Ito ang kanyang naging first single na ini-release noong 2016.

Sa ating panayam kay Volts ay naikwento niya na 21 years old na siya nang madiskubre niya ang kanyang talento sa pag-awit ngunit bata pa lamang siya ay nagpakita na siya ng interes sa musika.

Sa kanyang pagbisita sa atin mga ka-Pinas ay hatid niya ang magandang balita na siya ay mayroon nang bagong single. Ito ay ang “Tatapangan” na maaari nang mai-download sa Spotify at iTunes.

Para sa mga updates at schedules ay maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media accounts.

Facebook: @VoltsVallejo
Instagram: @ voltsvallejo

(written by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube