Bagong album ni Klarisse de Guzman mapapakinggan na sa Pinas FM 95.5

00

Mga ka Pinas! Isang espesyal na bisita ang bumisita sa Pinas FM 95.5, ang 1st runner up sa The Voice Ph noong taong 2013 na si Klarisse de Guzman upang maghatid ng magandang balita ukol sa kanyang latest album na sinunod sa kanyang pangalan ‘Klarisse’.

Nagmula sa pagsali sa mga hindi na mabilang na mga singing contest kung saan nakasama niya pa si Ms. Sarah Geronimo, kahit hindi niya nakuha ang titulong kampyeon sa ibang contest na sinalihan niya maging sa The Voice Ph ay nakuha naman niya ang puso ng mga tao.

Sa aming panayam, kasama sa kanyang album ang carrier single niyang ‘Wala na Talaga’, ito ay kino-compose ng walong kanta, may mga revival at may mga original songs ang kanyang album. Dagdag pa niya, para daw ito sa mga mahihilig sa mga #hugot songs.

Masayang ibinahagi ni Klarisse na masaya sya ngayon sa kanyang career kung saan nakakapunta sya sa mga malalayong lugar na hindi niya napupuntahan noon na napupuntahan na niya ngayon ng dahil sa kanyang talent sa pagkanta.

Nang itinanong siya ni Dj Apple Chiu kung sino ang gusto niyang maka-collaborate o maka-duet ang isinagot niya ay sina Ms. Regine Velasquez, isa yun sa mga dream come true niya. Idinagdag niya rin sina Ms. Lani Misalucha, Ms. Jaya, Coach Bamboo para sa ibang timpla ng music, ang bandang Up Dharma Down at nagpahabol pa siyang si Dj Apple Chiu.

Available na ang kanyang album sa mga recording stores, pati sa Spotify, iTunes at Amazon.

Para sa mga show, gigs at update ni Klarisse De Guzman, i-follow siya sa kanyang social media accounts:
Facebook: facebook.com/KlarisseDeGuzmanFanPage/
Twitter: @klarissedguzman
Instagram: @klarissedguzman

(written by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube