“Ayoko na Sayo” ni Anna Melissa sa Pinas FM 95.5

00

Isa sa mga magagandang singer at composer naman ang nakipagchikahan at kulitan kay DJ Apple sa Pinas FM 95.5, siya ay si Anna Melissa!

Si Anna Melissa ay dating lead vocalist ng bandang Arko at naging miyembro din siya ng female band na Vanna Vanna. Nakatrabaho niya din si Rico Blanco matapos siyang marinig nitong umawit kasama ang kaniyang dating bandang Arko.

Sa ating pakikipagkwentuhan sa kaniya ay napag-alaman nating siya ay nakilala nang siya ay pumalit na singer sa kanyang kaibigang professional singer na noon ay nagkasakit bago ang isang event.

Sa kanyang pagbisita sa atin mga ka-Pinas ay ibinida niya ang kanyang latest Indie single na “Ayoko na Sayo” na ayon kay Anna ay ginawa niya para sa kaniyang kaibigan na di umano’y pinaglalaruan ang damdamin ng babaeng dine-date nito.

Ang kanyang latest single ay maaari nang madownload sa Spotify at iTunes. Mayroon na din itong music video na naka-upload sa kanyang Facebook account.

Para sa mga updates ay maaari ninyong I-follow ang kanyang social media account.
Facebook: @OfficialAnnaMelissa

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube