Australian musician Naisa Lasalosi, bumisita sa Pinas FM 95.5

00

Isang Australian music performer ang nakasama natin mga ka-Pinas, siya ay si Naisa Lasalosi.

Ipinanganak at lumaki siya sa Sydney, Australia kung saan nahasa ang kanyang angking galing sa pagkanta. Nagpunta sya sa Pilipinas bilang isang Missionary at siya ay namalagi sa Cebu. Sa kanyang pamamalagi rito ay natutunan nya ang salitang Bisaya at Tagalog pati narin ang kulturang Filipino na ayon sa kanya ay minahal na rin niya.

 

Si Naisa Lasalosi ay nakilala nang siya ay sumali sa isang Filipino reality music competition na I Love OPM noong 2016 kung saan ang mga contestant ay 100% Foreigners at ang kanilang aawitin ay mga Original Pinoy Music (OPM). Nakapasok siya sa 3rd round kung saan ay pinerform niya ang awitin na pinasikat ni Sarah Geronimo ang “Ikot Ikot Lang”.
Matapos nang kanyang pagsali sa I Love OPM ay bumalik siya sa Australia kung saan ay sumali naman siya sa “The X Factor”.

 

Sa kanyang pagbisita sa Pinas FM ay ipinahayag din ni Naisa ang kanyang paghanga sa Filipino singer na si Sarah Geronimo at kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niya itong maka-collaborate.

Ayon kay Naisa Lasalosi, siya ay kasalukuyang sumusulat ng kanta katulong ang kanyang mga kaibigang YouTube Performers at sila rin ay magsasagawa ng mall tours.

Para sa mga updates ay maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media accounts:
Facebook: @naisalasalosi
Instagram: @naisalasalosi

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube