Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, bumisita sa Pinas FM 95.5

00

Isang masayang hapon ang inihatid nila DJ Aikee at DJ Rapido kasama ang #PinaspecialGuest na si Christian Bautista!

Sa muling pagbisita dito sa atin ni Christian Bautista sa Pinas FM 95.5 ay ibinida niya ang kaniyang bagong single na “Kapit Lang” na isinulat nila ni Bryan Lotho na ayon sa kaniya ay nabuo nila para sa mga ‘hugot’ niya mula sa kanyang mga past experience.

Sa ating panayam ay napag-alaman din natin na mayroon pa si Christian Bautista ng dalawang single at isang album na ire-release ngayong taong ding ito.
Bukod sa kanyang bagong single ay kasalukuyan ding nagte-taping ang singer-actor para sa Philippine remake ng “My Love from the Star” na ipapalabas na ngayong Mayo.

Magkakaroon din si Christian Bautista ng show sa May 27 sa PICC titled “Love Throwback” kasama ang iba pa.

Bukas na para sa online-streaming ang kanyang soundtrack sa Spotify, iTunes, Apple Music, Deezer, Amazon Music at Spinnr.

Para sa mga update at schedules, maaari ninyong i-follow ang kanyang mga social media account:

Facebook: @ChristianBautistaOfficial
Twitter: @xtianbautista
Instagram: @xtianbautista

(written by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Janilo Bautista)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube