Ara Mina, ipinag-anyaya ang fun run na may temang “TARA na sa ARenA 2018”

Nakasama natin ngayon sa Funbansang hapon ang isang maganda at mahusay na aktres at singer na si Ms. Ara Mina kasama si DJ Apple.

Sa pagbisita ni Ms. Ara Mina, ibinahagi niya sa atin ang isang aktibidad na may kinalaman sa pangkalusugan ito ay ang “TARA na sa ARenA 2018” na lalahukan din ng mga batang may down syndrome.

Ang “TARA na sa ARenA 2018” ay isang fund raising activity na may layong makatulong sa mga taong may down syndrome.

Ang nasabing aktibidad ay may kinalaman sa pagdiriwang sa nalalapit na kaarawan ng kapatid ni Ms. Ara Mina na si Batching na may down syndrome.

Ang “TARA na sa ArenA 2018” ay gaganapin sa araw ng Linggo ng hapon, Mayo 27. Bukod dito ay ilang mga artista din ang makakasama sa gagawing aktibidad.

Kaya sama na mga ka-Pinas! Isama na din natin ang buong pamilya para magbonding sa araw na iyon.

Bukod kasi sa isasagawang fun run, magkakaroon din ng concert pagkatapos nito.

Ilan sa magiging performer ng nasabing aktibidad ay iba’t-ibang sikat na artista tulad nila Ogie Alcasid, Martin Nievera, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, LJ Moreno, Say Alonzo, Diana Zubiri at marami pang iba.

Para sa iba pang updates at kung paano makakalahok sa nasabing aktibidad, i-visit lang ang: https://www.facebook.com/OfficialPhilippineArena/posts/2137785343108203

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)