Ang Misyon: The Marawi Siege Story na pinagbibidahan ni Martin Escudero

Spread the love

Hanggang kailan mo gagampanan ang iyong misyon sa gitna ng digmaan at kaguluhan? yan ang mga matutunan natin sa pelikulang “Ang Misyon: The Marawi Siege Story”

Sa pagbisita nga ng isa sa mga bida ng pelikula na si Martin Escudero, ikinuwento niya ang mga paghahanda na ginawa nila para sa pelikula, aniya., bagamat hindi man nila aktwal na nakuha ang eksena sa Marawi (dahil kasalukuyan itong nasa clearing operation ng militar) ay aniya, humanap sila ng lugar kung saan halos may pagkakahawig sa lugar.

Bukod pa diyan, pinaghandaan din niya ang kaniyang role bilang isang nurse, na gumagamot ng mga sugatan na hindi inaalintana ang panganib na kaakibat ng kaniyang misyon.

Ang pelikulang “Ang Misyon: The Marawi Seige Story” ay handog para sa anibersaryo ng Marawi, at mapapanood na ngayong May 30,2018 sa mga cinema nationwide.

(written by Edrian Acla, photos captured by Lovely Ann Cruz)