Ang Babae sa Septic Tank 2 ni Eugene Domingo sa Pinas FM 95.5

00

eugene-domingo-2016-9

Good vibes, katatawanan, at kasiyahan ang inihatid ni Ms. Eugene Domingo nang bumisita siya sa Pinas FM 95.5 kamakailan.

Para sa mga matagal na nag-abang at nag-request, the long wait is over dahil sa darating na December 25, 2016, ipalalabas na sa lahat ng sinehan sa buong kapuluan ang “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever’s Not Enough” bilang opisyal na entry ng Quantum Films ngayong taon sa Metro Manila Film Festival.

 

Gumaganap dito si Ms. Eugene bilang sarili niya, Eugene Domingo. Ayon sa kaniya, ang pelikulang ito ay naglalayong ibahagi sa mga tao kung bakit nga ba madalas kiligin ang mga Pinoy sa mga palabas sa sinehan o telebisyon. Sino nga naman raw ba kasi ang ayaw ma-inlove?

Dahil sa hindi pa maaaring ikwento ni Ms. Eugene ang buong detalye patungkol sa kaniyang pelikula, ibinahagi niya rin na naging sobrang masaya sila sa buong panahon ng kanilang shoot. With all humility, para sa kaniya mayroon siyang “good casting” na siyang nakadagdag pa sa mga salik kung bakit kaabang abang ang nasabing pelikula.

eugene-domingo-2016-6

Maliban sa promotion ng Ang Babae sa Septic Tank 2, naki-sing along din at masayang nag-sample si Ms. Eugene ng kanilang theme song na isang Sarah Geronimo original hit song na Forever’s Not Enough na ngayon naman ay inawit ni Jonna.

eugene-domingo-2016-3

Mark your calendars na mga ka-Pinas at muling saksihan si Ms. Eugene Domingo sa big screen para sa sequel ng Ang Babae sa Septic Tank noong 2011. ito ay sa direksyon ni Marlon Rivera.

Manatiling updated sa movie at mismo kay Eugene Domingo, i-follow ang mga sumusunod na social media accounts:

Facebook: www.facebook.com/angbabaesaseptictank2

eugene-domingo-2016-1

(written by Azon Lopez Silverio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Jacob Isais)

Tags

Listen Live!

FB Live
  program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube