“Ako’y Iyong Iyo” ni Nino Alejandro sa Pinas FM 95.5

00

1-30-17 Nino Alejandro 2017-7

May dala-dalang sorpresa ang ating pinaSpecial guest dito sa Pinas FM 95.5 na si Nino Alejandro. Siya ay mula sa isang singing contest na “The Voice Season 2” isa sa mapapalad na nakasama sa team ni Ms.Lea Salongga. Pagkatapos ng competition na iyon ay talaga naman daw nagbago ang kaniyang buhay.

 

Naging inspirasyon niya sa pagkanta ang kaniyang asawa at ang kaniyang anak, kaya naman siya ay natutuwa sa mga oportunidad na dumadating sa kaniya.

1-30-17 Nino Alejandro 2017-6

Si Nino Alejandro ay nagkaroon na ng tatlong solo album at ngayon ay dala niya sa atin ang kaniyang latest single na “Ako’y Iyong Iyo.”  Ayon sa kaniya ay pinaghirapan nila ang pagbuo sa kantang ito na isinulat mismo ni Mr. Ogie Alcasid na mayroong genreng RockBallad.

 

Nagustuhan daw ni Mr.Ogie ang kaniyang boses noong nasa The Voice pa lamang siya kaya naman pinagsikapan nilang dalawa na mabuo ang kantang ito.

Ang kaniyang kanta na  “Ako’y Iyong-iyo”ay maari na nating mapakinggan at i-download sa iTunes at Spotify at sa YouTube.

1-30-17 Nino Alejandro 2017-4

Para sa iba pang updates mula kay Nino Alejandro maari nating siyang i-follow sa kaniyang Facebook account:  @Nino Alejandro

(written by Angelica Ernie, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Dexter Magno)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube