“Acquired Taste” ni Pikoy sa Pinas FM 95.5

pikoy-2016-06143

Isang graphic artist, kompositor at singer ang nakasama natin sa Pinas FM 95.5, kilala siya sa pangalang “Pikoy”. Ipinakilala rin nito ang kaniyang bagong album na “Acquired Taste” naglalaman ito ng siyam na kanta na sarili niyang produced. Siya rin ang nag-design ng kaniyang album at bagong labas na music video na ‘Ang Feeling Mo”.

Kabilang sa mga kanta ni Pikoy ay ang “Ako Na” na nangangahulugan sa pagdanas ng “quarter life crisis”.

 

Unang sumabak si Pikoy sa mga contest ngunit nabigo ito, noong nagsisimula pa lamang siya sa pagbuo ng kanta ay nagpupunta siya sa mga “Café” na nagsasagawa ng “open mic.” At doon ay natulungan siya ng song writer Philippines na makagawa at bumuo ng album.

Sa pagkikipag kwentuhan ni Pikoy sa atin ay naibahagi niya ang mga paraan kung paano sumulat o bumuo ng awitin. Unang nahilig ito sa mga Japanese song, sa ngayon ang genre ng kaniyang mga awitin ay noisy pop at experimental OPM.

pikoy-2016-06115

Para sa mga updates ni Pikoy, maaari siyang i-follow sa kaniyang social media accounts:

Facebook Account: Popstarpikoy

Twitter and Instagram: @popstarpikoy

(written by Alyssa del Rosario, edited by Lovely Ann Cruz, photos captured by Dex Magno)

You may also like...