‘Hanggang Dito Na Lang’ ni Meg Fernandez, ipinarinig sa Pinas FM

Napuno ng tugtugan ang naging hapon natin dahil binisita tayo ni Meg Fernandez na isa sa mga itinuturing na magaling na mang-aawit sa ating bansa.

Sa pagbisita sa atin ni Meg Fernandez, marami siyang ibinahagi sa atin na naging inspirasyon niya sa pagkanta.

Nalaman din natin na si Meg Fernandez ay sumali na sa The Voice Philippines season 2 ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa audition.

 

Bilang isang mang-aawit at musician, si Meg Fernandez ay kilala din sa pagsulat ng kaniyang mga kanta, ayon sa kanya high school pa lamang siya ay nagsusulat na siya ng mga kanta, kung saan nagsisimula pa lamang siya sa mga banda.

Tinanong din ni DJ Apple si Meg Fernandez, bilang siya ay sumusulat ng kanta, kung may plano ba siyang sumali sa mga singing writing competition.

 

Isa sa mga sinulat na kanta niya ay “Hanggang Dito Na Lang” na sinulat niya noong January 2015. dagdag pa niya na ang kanta niyang ito ay kasama sa kaniyang lalabas niya na album.

Ang “Hanggang Dito Na Lang” ay kuwento aniya sa isang pagpaparaya sa minamahal na ayon sa kaniya ay tungkol din aniya sa kaniyang personal na karanasan.

Ngunit si Meg Fernandez ay happily married na, at may dalawa ng anak  na hindi natin aakalain dahil sa mukhang dalaga pa ito kung titignan.

Maari ng mapakinggan ang “Hanggang Dito Na lang” sa Sound Cloud ni Meg Fernandez, kung saan ito nakadownload.

pinasmeg042

 

Para sa updates, maaring bisitahin ang social media ni Meg Fernandez sa kaniyang:

Facebook:   @MegFernandezPH

Twitter:  @asmegsleep

Instagram:  @asmegsleep

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Dexter Magno)

You may also like...